Barasoain Church,
Historical Perspective
The First Parish Priest
and Goberndorcillo
Historical Significance of the Church
Barasoain Church in the Philippine Pesos
The Restoration
The Parish Priests
Mensahe mula sa Kura Paroko

Ang kasaysayan ng Simbahan ng Barasoain ay nagsimula noong ika- 2 ng Disyembre, 1854 nang siya ay mahiwalay sa Malolos. At noong ika- 31 ng Agosto, 1859   siya ay maging isang  ganap na parokya sa ilalim ng pagkakandili ng kanyang patron,  ang Mahal na Birhen, Nuestra Señora Del Carmen. 

Subalit ito ay naging makasaysayan dahil dito ginanap ang Kongreso ng Malolos.  Kayat  dito mismo nagpunta at nagpulong ang magigiting na Bayani at marurunong na mambabatas  ng bansa mula  noong ika 15 ng Setiembre, 1898 nang buksan ang pagpupulong hanggang  sa ika 23 ng Enero, 1899 nang mapagtibay ang unang  saligang Batas ng Republika. Nakatala sa lumang kumbento ang pangalan ng 193 delegado na kumakatawan sa iba't-ibang lugar ng Pilipinas. Kasama rito sina Pedro Paterno, ang unang presidente ng Malolos Congress at Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Republika. Gayun din naman narito si Gregorio Aglipay, ang dating paring katoliko at nagtatag ng sektang Aglipay at sina Felipe Calderon, Antonio Luna, Trinidad Pardo de Tavera, Teodoro Sandiko at marami pang iba.

Dito rin pinagtibay noong ika-29 ng Setiembre, 1898 ang Kalayaan ng Pilipinas na ipinahayag ni Emilio Aguinaldo sa Kawit Cavite, noong ika 12 ng Hunyo, 1898. Kaya dito  itinayo ang unang Republika ng Pilipinas.  Dito italaga at sumumpa si Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika.  Dahil dito noong ika 1 ng Agosto 1973, ito ay idineklara ni Pangulo Ferdiand Marcos bilang isang "historical landmark" sa pamamagitan ng "presidential decree No. 260.
Ang Simbahan lang ng Barasoain ang nailarawan sa pera papel ng Pilipinas, una sa  piso at  noong 1969 ay sa sampung piso at sa P2,000 pisong papel bilang "background" noong 1998 nang si Mr. Joseph Estrada ay maitalaga at sumumpa  bilang Pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng isandaang taon anibersaryo ng Saligang Batas. 

Tunay nga  taas noong maipagmamalaki natin ang nakalipas ng Barasoain. Pero hindi tayo dapat manatili sa lumipas. Dapat patuloy tayong kumilos upang maipagmalaki natin ang Barasoain sa kasalukuyan. Gawin natin itong bantayog ng kaunlaran, katarungan, pagkakapantay pantay, pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa tao.
Sa ika 31 ng Agosto 2009,  ipagdiriwang natin ang ika 150 pagkakatatag ng ating parokya.  Ang ibig sabihin ang parokya ay 150 taong na. Siya ay 150 taong nang magpapahayag ng Magandang Balita at naggagawad ng mga sakramento.  Isipin na lang ilang milyong  misa na ang inialay sa simbahang ito. Ilang milyong kristiano na ang nabinyagan rito. Ilang daang libong mag-asawa na ang pinagbuklod dito sa sakramento ng kasal. Ilang libo ng kaluluwa ang pinahiran ng santo oleo rito. Marami na. At sana patuloy ang simbahan na ito ay naging tinig at ilaw ni Kristo sa sambayanan.

Msgr. Angel Santiago
Kura Paroko

shape
BACK
shape
Msgr. Angel Santiago
    PARISH PRIEST
- Profile
- Message
- Related Links


Contact no.:
(044) 662 - 7686

Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday

  email:
  barasoainchurch@yahoo.com
Home I About the church I Services I Schedule I Gallery I Maps and Related Links
Copyright © 2010 DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines