Ang Barasoain Ngayon
Taong 1903 ng ang bayan ng Barasoain ay muling isinanib sa bayan ng Malolos. Samantala, nanatili ang Parokyang ng Nuestra Senora del Carmen bilang isang parokyang nakahiwalay sa Parokya ng Malolos gayundin ang parokya ng Sta. Isabel na nanatiling hiwalay.
Sa kasalukuyan ay isang maunlad na pook na ang bayang ito. Wala na ang unang Unibersidad Literaria y Scientifica na itinatag ng Unang Republika sa kumbento ng simbahan, bagama't sa ngayon ay nakatirik sa tabi ng simbahan ang pamantasan ng Regina Carmeli. Ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga madreng Agustino at naghahandog ng iba't ibang kurso sa Agham at sining. Sa paligid nito ay matatagpuan rin ang iba't ibang paaralang pambubliko, mga banko, computer centers, establisimiyento, subdivisions, ospital at mga lansangan na siyang nagdurugtong sa Barasoain sa Maynila at sa iba pang karatig bayan ng Malolos. Dahil dito ay masasaksihan ang kaunlaran ng Barasoain. Sa kabila ng mga nayon ng kaunlaran, mapapansin na taglay pa rin ng Barasoain ang angking kariktan nito, bilang bayang sumilang sa kapaligirang kaaya-aya. Sa ngayon ay nananatili pa rin ang mga palaisdaan, palayan at ang mga puno sa paligid nito.
Sa parokyang ito ay aktibo ang mga samahang pansimbahan at pansibiko na siyang nangangasiwa sa pagpapanatili ng matibay na pananampalatayang kinagisnan na at ipinamana ng mga naunang henerasyon . tunay na aktibo rin ang mga samahang pansibiko sa pagpapasigla sa kamulatanng historikal at politikal ng sambayanan ng Malolos, partikular ang Barasoain na pinangunahan ng mga mamamayang tunay na nagmamahal dito.
Copyright © 2008. DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines
Contact no.:
(044) 662 - 7686
Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday
email:
barasoainchurch@yahoo.com