Casa Real Shrine
Noong Disyambra 2, 1854 ipinag-utos ni Gob. Heneral Manuel Crespo ang paghahati sa bayan ng Malolos sa tatlong distrito, ang Malolos, Sta. Isabel del Sur at ang Barasoain del Norte. Taong 1903 muling pinagsanib ang tatlong bayan. Narito ang talaan ng kabuhayan at ilang mahahalagang bagay tungkol sa Barasoain noong taong 1888.
Mga Gusali
Simbahan- yari sa bato at yero galbanisado
Munisipyo – yari sa mga materyales fuertes subalit masama na ang konsisyon.
Paaralan – wala, sapagkat ang mga bata ay nagpupunta sa tahanan ng mga guro.
Tahanan – anim na bahay na bato, kahoy at pawid ang bubong, humigit-kumulang 2,000 bahay ay yari sa kawayan, pawid at iba pang magagarang materyales.
Mga Kabisera – 53
Mga palayan – sapagakat ang bulacan ay kilalang lalawigang agrikutural bahagi ng Parokya ang magaganadang palayan. Hanggang sa kasalukuyang panahon, pinagyayaman pa rin ng mga taga-Barasoain ang yaman na pinagmulan ng ikabubuhay.
Negosyo – Pagbebenta ng inaning palay, asukal, buyo at bunga, pawid na ginagawang suka, pagtitinda ng tela at pagtitinda ng mga hayop tulag ng manok o baboy.
Pinagmulan ng tubig – mula sa Ilog ng Calumpit
Copyright © 2008. DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines
Contact no.:
(044) 662 - 7686
Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday
email:
barasoainchurch@yahoo.com