Back
Mga Iskultura sa Simbahan

       Higit na kapansin-pasin ang komulgatoryo, pulpito at ang koro na nanananatiling bahagi ng simbahan ng barasoain hanggang sa panahon ito. Sa pagtatapos ng ika-2 konsilyo batikano na dinadaluhan ng mga Obispo, cardinal at mga dalubhasa sa buong mundo, isa sa mga nabuo ay ang malawakang pagbabago sa pagdiriwang ng liturhiya ng simbahan. Ang mga pagbabagong ito ay inilunsad upang makatugon sa pangangailangang pastoral ng mga mananampalataya at upang higit na maging makahulugan at mananampalataya at upang higit na maging makahulugan at makabuluhan ang pagdiriwang ng bawat liturhiya.

       Ang pulpito ay napalitan ng hapag ng salita ng diyos kung saan ang bawal na kasulatan ay ipinapahayg at ipinaliliwanag ng ministro.

       Ang koro, na dati ay tila nasa kaitaasan ng kalangitan, ngayon ay hindi na ginagamit upang ang mga mang-aawit ng parokya ay isama sa gitna ng mga tao sa pakikibahagi sa pag- awit at pagtugon sa banal na misa. Ang komulgatoryo na tila ba naghihiwalay sa tao sa kanyang diyos, ngayon ay piping saksi na lamang sa tunay na pakikipagtagpo at komunyon ng tao kay kristo sa banal na eukaristiya. Ang buong kapaligiran katulad ng kisame at mga dingding ay puno ng mga larawan ng mga misteryo ng Sto. Rosaryo at ng Via Crucis na nagpapaalala at nagtuturo sa mga tao ng mga misteryo n gating pananampalataya.

       Sa gilid ng simbahan ay matatagpuan ang malawak na hardin na madalas na pinagdarausan ng mga kasalan, binyangan, at iba pang pagtitipon sa parokya. Nakaugnay rin sa simbahan ang maluwang na kumbento na noong una ay tirahan ng mga paring nakahimpil ditto subalit dahil sa ginampanan nito sa kasaysayan n gating bansa, ngayon ay tinanghal nang isang museo upang paglagakan ng mga alaala ng unang kongreso ng malolos. Dahil ditto, kinailangang itayo ang isang bagong kumbento upang magamit ng mga paring sa ngayo'y nangangalaga sa parokya ng mahal na birhen ng del Carmen.

       
Msgr. Angel Santiago
    PARISH PRIEST

Bulacan
Malolos 3000 Philippines


Contact no.:

(044) 662 - 7686

Open Hours

8am -12noon,
2pm - 5pm
Tuesday to Sunday


  email:
  mt.carmelparish@yahoo.com
Copyright © 2008. DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines
MORE>>>
Home I About the church I Services I Schedule I Gallery I Maps and Related Links
shape

About the Church


-Mga Kura Paroko
- Parokya ng Nuestra
Senora del Carmel

- Barasoain Ngayon

- Mga Iskultura

- Kongreso ng Malolos

- History Perspective

- The first Parish Priest & Gobernadorcillo

- Historical Significance of the Church

- Barasoain Church in Philippine Pesos

- The Restoration

- Priests in the Parish


Contact no.:
(044) 662 - 7686

Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday

  email:
  barasoainchurch@yahoo.com