Back
KONGRESO NG MALOLOS: TUNGO SA TAGUMPAY NG REBOLUSYON

"Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon sa
simbahan din ang tuloy"
- Isang kawikaang tagalog

       At sa simbahang ng Barasoain sa Malolos itinatag ang kongresong nagluwal ng isang saligang batas. Sa bias nito sinuhayan ang Republikang iniluwal ng Rebolusyon.

       Higit pa sa isang kaganapan ang kongreso ng Malolos ay isang mayamang larangan ng pag-unawa sa diwa ng pagbubuo ng bansa. Karaniwang tinitignan ng mga istoryador bilang tagumpay lamang ng mga piling tao (elite), maaari ding tingnan ito sa kanyang kabuuan, kapwa bilang isang proseso at teksto. Kung ano’t anuman, integral na bahagi ito ng prosesopakikibaka naying mga Pilipino batay sa sarili nating pagtataya sa ating mga karanasan. Teksto rin naman itong tumatayo para sa pag-aadhika ng kalayaan at kabansaan. Sa ganang ito, kinonseptwalisa at binalangkas ang paglalahathala ng souvenir program para sa naturang pagdiriwang.

       Kung kaya, bukod pa sa paggunita nilalayon ng publikasyong ito na tipunin at lagumin ang lahat ng mga slaysay tungkol sa Bulakan ng tumuturol sa nabanggit na pagtingin sa kongreso. At mula rito’y makadukal ng mga bagong aral habang hinahabi natin ang isang bagong salaysay na higit na angkop sa pagtugon natin sa mga hamon ng bagong dantaon. Muli, ito’y isang pagbabalik ugat upang patagin ang puno o katawan n gating kasaysayan tungo sa pagyayabong ng mga sanga ng ating kakanyahan.

       
Copyright © 2008. DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines
MORE>>>
Home I About the church I Services I Schedule I Gallery I Maps and Related Links
shape

About the Church


-Mga Kura Paroko
- Parokya ng Nuestra
Senora del Carmel

- Barasoain Ngayon

- Mga Iskultura

- Kongreso ng Malolos

- History Perspective

- The first Parish Priest & Gobernadorcillo

- Historical Significance of the Church

- Barasoain Church in Philippine Pesos

- The Restoration

- Priests in the Parish


Contact no.:
(044) 662 - 7686

Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday

  email:
  barasoainchurch@yahoo.com