Ang mga taga-Barasoain
Upang ilahad ang buhay at pamumuhay ng mga taga- Barasoain, narito ang ilang sipi mula sa pagsalaysay ng isang natatanging anak ng Barasoain, na nagmamahal at nagmamalasakit sa bayang ito ng mga dakilang Pilipino…
UNANG PAGKAKAKILALA SA BARASOAIN: SA PATIO AT SIMBAHAN
Ni: Jose PW. Tantoco
Alas cinco (5:00 p.m.) ng hapon noong Viernes Santo (Abril 15, 1995) nang kaming mag-anak ay halos magkakasunod na dumating sa Patio ng Simbahan ng Barasaoin upang sumama sa pag-ilaw sa pruscesyon at susmunod sa aming CARRO NG KALBARYO na hustong labing walong (18) taon nang isinasama sa paglilibot ng mga “imahen na nababangit sa Mahal na Pasyon.”
Habang naghihintay kami sa paglakad ng prucsesyon ay nabaling ang aking paningin sa matandang Gloryeta at sa bantayog ni Heheral Aguinaldo sa tapat nito, na sa di inaasahang pangayayri ay nanumbalik sa aking alaala nang kami’y bata pa ng naglalaro ng “Kalumbibit” (nagsusupo) at nagtatatching lata o takip ng bote ng lemonada na tatak Rizal Bottling at kung minsan ay pera barya, iyong sentimong malaki (one centavo coin circa 1917). Nanumbalik din sa aking alaala na malaki na pinagbago ng Patio, na nalililiman ng maraming kahoy na Bandera volante (flame tree), ilang puno ng acacia, isang puno ng mayabong na uway, may poso ng tubig na pirmihang tumutulo ang dalisay na tubig, ang bahay ni Ba Monico (now residence and clinic of Dra. Catalino Buktaw, one time candidate for governor of Bulacan). Siya nga pala, sib a Monico ay karetonero noong panahong yaon, na ang kanyang mga anak na lalaki ay kababata ko, sina Pepe (aking katukayo), Paquito at Pedro. Si Isiong na pinakabatang kapatid nila ay maliit pa noon, kaya’t hindis siya pinababayaang maglaro sa nasabing patio, na siyang kilalang Liwasan sa aming baryon g San Gabriel.
Ang isa pa nga palang wala na sa Patio ay ang ilang mga matatandang nagtitinda ng mga nakukulot na pagkain at para sa mga kabataang lalaki ay nagbe-venta ng “itlog na basyo na ang laman ay gulaman” na pinagtutuktukan ng mga batang bumibili nito, na kung sino ang may matibay na balat ng itlog na hindi nababasag sa larong tuktukan ang siyang panalo na sa kanya nauuwi ang lahat ng basag na itlog na may gulaman na kinakain ng barkada ng nagwagi sa larong iyon. Kung maliwanag ang buwan sa gabi, kami ay nalalarong muli sa Patio matapos makakain ng hapunan. Ang mga laro naman naming ay tubigan, moro-moro, taguan at nang malaon ay nauso ang presong-pong. Muli’t muli ko mang pakaisipin, marahil ay hindi na babalik magpakailanman ang panahong yaon.
Sa aming paglalaro, lalo na kung ng Sabado, Linggo o Pista Opisyal aking napapansin at naiino na maraming tao, lulan ng sari-saring uri ng sasakyan ang nagsisidating upang pumasok sa Simbahan at magisyoso at magkuhanan ng larawan sa iba’t ibang lugar (parte) sa loob ng simbahan lalo na sa gawing altahan. Nagsisipanik ang iba sa kumbento sa pamamgitan ng paghingi ng kapahintulutan sa Sakristan Mayor o sino man ang nagkatao sa pasulatan sa may hagdanan. Ang lahat ng ito ay napapansin ko sapagkat sa tuwing may dumarating na mga tao na nag bihis at anyo ay hindi Pilipino ay iniiwan ko ang aking mga kalaro upang magmasid kung ano ang talagang pakay nila sa pamamasyal sa Simbahan ng Barasoain. Madalas sa aking pagsubaybay sa mga Banyagang naglalakbay na dumadalaw sa Barasoain na marami sa kanila ay sinasalat ang “baldoza” na kulay puti at dilim na nakalatag sa siyang sahig ng simbahan at gayon din ang batong-pader, dalawang marmol na lalagyan ng sagradong tubig, ang luma nang “confensyonaryo” at hagdanan ng pulpito.
Lankay-lankay silang magsisilabas sa Patio at bago magsisakay sa kanilang mga sasakyan ay magkukuhanan pa ng larawan (grupo) at muling sisipatin ang anyo ng pinakaportada (facade) ng Simbahan bago magsilisan. Ako naman ay babalik sa pook na pinaglalaruan ng aking mga kalarong kababata. Bago ihudyat ng kampana ang orasyon, kami’y magsisuwi na.
Maraming beses na itinanong ko sa aking ama (na hepe ng Cuerpo de Policia ng Bayan ng Malolos – 1912-1942) kung ano ang mayroon sa Simbahan ng Barasoain at maraming mga “estarnghero” ang doo’y namamsyal at nagsisipag-usisa at taimtim na nakikinig sa isang listong kabalat nating mga Pilipino na nagpapaliwanag sa wikang hiram.
Sa katanungang yaon ay parating ganito ang isinasagot sa akin ng aking ama, na ang nasabing Simbahan ay pambihira sa lahat ng mga gusaling bahay-simbahan sa buong Piliponas, sapagkat naganap daw doon ang maraming pangyayaring sa ating kasaysayan.
“Pag may sapat na isip ka na, lalo na sa iyong pag-aaral ay malalaman mong lahat ang mga pambihirang pangyayari na naganap at ang mga tao na nagsilahok sa kapulungan na doo’y ginawa ay pawang mga dakilang Pilipino, may mga matataas na pinag-aralan at pulos na maginoo at makabayan at bihisang makipagtalo sa talakayan sa wikang kastila,” ang tugon niya sa akin.”
At idinugtong pa niya: “ang sinsabi ko ay ang Simbahan ng Barasoain ay naging Kongreso ng magka-independencia tayo sa kastila noong “nuventa’y ocho-nuventa’y nueve” (1898-1899). Paglaki-laki mo ay malalaman mong lahat iyon, kaya sa pag-aaral mo ay matuto lang magsikap.”