Ang Pinagmulan ng Pangalang Barasoain
Ang munting bayan ng Barasoain ay naging isang kilalang bayan dahil sa mga makasaysayang pangyayari rito. Bagama't naging kilala ang bayang ito mula nang gawin itong sentro ng kongreso ng Malolos noong 1898, maliit lamang ang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng katawagang Barasoain.
"Baras ng Suwail"
Ayon sa ilang mamamayang nais iugnay ang ngalan Barasoain sa himagsikan, ang salitang Barasoain ay nagmula salitang "baras ng suwail" (sinew of the unconquerable). Tila ba nais sabihin na ang Barasaoin nga ang bayan ng mga makabayang Pilipino, suwail sa mga dayuhang umaalipin at lumupig sa karapatan ng malayang bayan.
Subalit ayon kay G. Jose P.W. Tantoco, naging pangulo ng Bulacan Historical Inc., ang pangalang Barasoain ay pangalang ibinigay ng mga misyonero sa bayang ito matapos na makita nilang ang pook na ito ay kahawig ng isang pook na tinatawag ring Barasoain sa Espa?a.
Ang Barasoain ay isang bayan na nasa kagubatan sa distrito ng Navarra at nasa Hilagang Silangan ng Espa?a.
Mula sa Pampanga ay nakarating ang mga misyonerong Agustino, dumaan sa Calumpit at dumaong sa Barasoain. Dito ay nakita nila ang isang pamayanang nagpapaalala ng kagubatan at ang kariktan ng Barasoain na nasa Navarra, Espa?a.
Kaya't mahihinuha na isang misyonerong taga-Navarra ang nakilala sa lupang kanyang minamahal at itinuring ang Barasoain bilang ikalawang bayan niya at kaya't dito na nga sila tumigil. Isa sa mga bahay sa Barasoain. Ditto tumutuloy ang dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa pagdalaw niya sa Malolos. Isa sa mga naunang bahay sa Barasoain na ngayon ay nagsisilbing establishimyento. Ancestral House ng Pamilya ng dating Pangulong Corazon Aquino, ika-11 Pangulo ng Pilipinas. Lumang bahay na naglalarawan ng kahapon. Masasalamin ditto ang buhay ng mga tao. Ang mga bagay ay karaniwan yari sa kahoy at semento. Ilan sa mga lumang bahay na ngalalarawan ng kahapon. Ilan bahay sa Barangay Anilao.
Copyright © 2008. DIOCESE OF MALOLOS OUR LADY OF MOUNT CARMEL BARASOIN MALOLOS, BULACAN - Philippines
Contact no.:
(044) 662 - 7686
Open Hours
8:00 am -12:00 noon,
2:00 pm - 5:00 pm
Tuesday to Sunday
email:
barasoainchurch@yahoo.com