PANANAW: Kami ay pamayanan ng pag-ibig na isinasabuhay ang Mabuting Balita sa diwa ni San Francisco ng Assisi at aktibong tumutugon sa pangangailangan nang nagbabagong panahon, ay nakatuon sa Kapatirang puno ng biyaya na ang mga kasapi ay may kamalayan sa mga pangkasalukuyang isyu ng moralidad, sosyo-politikal at ekonomiya at namumuhay na kaisa ng lahat na mga nilikha.
LAYUNIN: Itinalaga naming ang aming sarili na isabuhay ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng:
1. Patuloy at buhay na paghuhubog;
2. Pagpapalalim ng buhay na mapanalangin at pangkabanalan;
3. Pakikipag-ugnayan sa mga grupong Franciscano;
4. Pakikiisa sa mga gawain ng Parokya at Simbahan;
5. Pakikilahok sa mga isyung pangkalikasan at Sosyo-Politikal, at
6. Mabuting paggamit ng mga makabagong pamamaraan sa Komunikasyon.
MAIKLING KASAYSAYAN: Ang Secular Franciscan Order, sa simula pa ay mayroon nang angkop na lugar sa pamilyang Franciscano. Ito ay binubuo ng saligang pagkakabuklod ng lahat ng mga kapatirang katoliko kung saan ang mga kasaping pinagalaw ng Banal na Espiritu ay nagtatalaga ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pangakong isasabuhay ang Ebanghelyo sa pamamaraan si San Francisco ng Assisi sa kanilang kalagayang sekular, alinsunod sa landas ng buhay na pinagtibay ng Simbahan. Ang Secular Franciscan Order ( SFO) ay isang pampublikong samahan sa Simbahan. Ito ay nahahati sa mga kapatiran sa iba't-ibang antas; Lokal, Pangrehiyon, Pambansa at Pandaigdigan. Ang bawat isa ay may sariling katauhan alinsunod sa batas sa loob ng Simbahan. Ang SFO ay bukas para sa lahat ng Katoliko - babae at lalaki, may-asawa, walang asawa, biyudo, biyuda at Secular Clergy - na may edad 18 taon pataas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa alinmang kapatiran ng SFO na malapit sa inyong lugar.Ang kapatiran ng SFO sa Malolos ay isa lamang sa 120 Kapatiran sa buong Pilipinas sa kaslukuyan. Ito ay nasasakop ng rehiyon ng SFO sa Bulakan na binubuo naman ng 8 Kapatiran ( Baliuag, Calumpit, Malhacan, Malolos, Meycauayan, Pulilan, San Jose del Monte at Sta. Maria)
PAGKAKATATAG:
Ang SFO sa Malolos ay itinatag ayon sa batas ng Simbahan noong Enero 9, 1989 sa pagdiriwang na pinangunahan ni Padre Agapito Diez, Order of Friars Minor ( OFM ) sa Emmaus House of Apostolate sa Malolos.
MGA UNANG KASPI:
Ang mga unang kasapi ng SFO malolos na nagkaroon ng pagtatalaga ng sarili noong Pebrero 25, 1988 ay ang mga sumusunod:
1. Rev. Fr. Florentino "Boyet" Concepcion
2. Jenny Santos dela Peña
3. Benita Galang
4. Romuldo Galang
5. Aurora Maclang
6. Rolando Maclang Sr. At
7. Felicitas Dimagiba
Isa pa ring kasapi ng SFO Malolos ay si Rev. Fr. Ricardo "KC" Moraga na nagtalaga ng sarili noong Setyembre 10, 1998