OUR LADY OF MT CARMEL
BARASOIN CHURCH
Malolos, Bulacan Tel No.(044)662 7686
PAMANTAYAN AT GABAY SA
PAGDIRIWANG NG
SAKRAMENTO NG IISANG DIBDIB
I.MGA KINAKAILANGAN
a. Makipag-ugnayan sa parokya isang buwan 1 man lamang bago takdang araw ng kasal
b. Idudulog ng pari ang mga ikinakasal
c. Partida Bautismo na may nakalagay na "For Marriage Purpose' 2
d. Katibayan ng Kumpil. 3
e. Lisensya ng Kasal.4
f. Dumalo sa Pre-Cana seminar na itinakda ng Parokya.
g. Magkumpisal bago ang takdang kasal.
h. Tunay na pangalan at apelyido ng mga Ninong at Ninang. Ang dalawa dito (isang ninong at ninang)
ay dapat may "address".
i. Kung biyuda/biyuda- kailangan ng death certificate ng Asawa. Kung biyuda at may kakayahang
pang mag-anak, kailangan mag palipas ng 300 araw bago ikasal.
II.PATAKARAN PARA MAAYOS AT KAGALANGGALANG ANG NA PAGDIRIWANG :
a. Ang mga "ring bearer", "flower girl",at iba pang mga bata ay marapat na anim (6)
na taong gulang pataas.
b. Ang Damit ng mga abay, mga ninong at ninang lalo na ang babaeng ikakasal ay dapat maging
kagalang-galang (hindi dapat "spaghetti, strapless, backless at mataas na slit")
c. Hindi dapat kumain o uminom sa loob ng simbahan habang nagdidiwang ang mga dumadalo sa
kasal lalo na ang ikakasal.
d. Patayin (switch off) ang lahat ng "cellphone"
e. Ang naglilitrato sa kasal ay dapat maaayos ang damit, hindi palakad lakad sa santuaryo kundi nasa
sa ibang panig lamang at luluhod sandali ng Panalanging Eukaristiko.
f. Sabihan ang mga abay ng dapat nilang gagawin at ikilos sa pagdiriwang, masmabuti at maganda
kung may ensayo.
g. Alamin ng mga ikakasal ang kanilang gagawin at isasagot sa ritual ng kasal.
h. Makining sa pagbasa at tagubilin ng pari at Huwag mag kuwentuhan.
i. Kapag may inaanyayahan na mula sa ibang sektao pananampalataya, pagbilinan ang mga ito na
dapat silang makiisa sa mga gagawin at kilos sa Misa. (Liturhiya ng Pag-iisanf dibdib).
j. Kapag gagawa ng ritual ang mga ikakasal sumangguni muna sa pari bago ito ipalibag.
k. Kung may hihirangin bumasa siya ay dapat itinlagang lector ng parokya.